Press Releases
MAG-INGAT SA “BOGUS” NA INSPEKTOR – MULING PAALALA NG DOLE BICOL

Legazpi City- Muling binalaan ng DOLE Bicol ang publiko na mag-ingat sa “Bogus” na Inspektor na nang bibiktima ng mga employer  at mga empleyado sa iba’t-ibang panig ng rehiyon at nanghihingi ng pera kapalit aniya ng Certificate of Compliance (COC) at DOLE Registration sa ilalim ng Rule 1020 ng Occupational Safety and Health Standards (OSHC).

 

“Libre po ang DOLE Registration sa RULE 1020 at suspendido na ang pag-isyu ng Certificate of Compliance (COC). Ang mga ito po ay walang bayad ni pisong duleng. Isa pa, ang pag isyu ng COC matagal ng suspendido sa bisa ng Memorandum ni Sec. Silvestre H. Bello, III noong 22 Hunyo 2017. Kaya hindi kayo dapat na magbayad,”  mariing babala ni DOLE Bicol Regional Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla.

 

Ang Rule 1020 ay ang Registry of Establishment. Dito ay inuutusan ang mga kumpanya o establisyemento na mag rehistro sa DOLE gamit ang Registry of Establishment Form. Ang form na ito ay libreng makukuha sa mga provincial office ng DOLE Bicol at pwede ding mai-down load sa internet gamit ang www.dole.gov.ph. Ang pagsusumite at approval ng form na ito sa opisina ng DOLE ay libre din at hindi nangangailangan ng anumang bayad.

 

Muling binuhay ng DOLE Bicol ang paalala sa publiko matapos na makatanggap ng mga report mula sa iba’t-ibang probinsya na may iilang indibidwal na nagpapanggap na kawani ng DOLE o isang “inspector” at umiikot sa mga kompanya at “nagbebenta” ng DOLE COC at DOLE Registration 1020 sa halagang lima hanggang sampung libong piso (P5,000-P10,000.00).

 

“Ang sinasabi ng kawatan na ito sa mga employer ay magbigay sila ng P5,000.00 at iisyuhan namin sila ng COC tapos kunwari titignan pa kung may registration na at kung wala pa ay hihingan ulit ng P5,000.00 na dagdag. Uulitin ko, bawal po sa DOLE ang manghingi ng pera. Lahat ng serbisyo namin ay libre,” tugon naman ni DOLE Bicol incoming regional director Rovelinda A. Dela Rosa.

 

Nakikipagtulungan na ang DOLE Bicol sa PNP at NBI upang tuluyang mahuli ang nasambit na kawatan. Katunayan ay nagpatawag pa ng isang Press Conference and DOLE Bicol, tanghali ng Agosto 29 sa DOLE Activity Center upang balaan ang publiko sa pamamagitan ng media tungkol sa modus na ito.

 

“Opo kailangan namin ang tulong ng media para matapos ang modus na ito. Kaya ina-anyayahan namin kayo mga kaibigan namin sa media sa isang Press Conference sa 29 August dito sa opisina para pag-usapan kung pano natin mahuhuli ang kawatang ito na sumisira sa imahen ng DOLE,” masidhing turing ni DOLE Bicol incoming regional director Rovelinda A. Dela Rosa.

 

Dahil dito ay hinihikayat ng DOLE Bicol ang lahat ng pribadong kumpanya, mga may-ari ng negosyo, indibidwal, empleyado, media at lahat ng mga Bicolano na isuplong sa DOLE Bicol Hotline (0918) 309-6665 kung may makikita o may ma eeksperyesyahan na modus ng Bogus Na Inspektor.

 

“Pagtulungan nating mahuli ang Bogus na Inspektor na ito. Huwag tayong patatalo sa kanya dahil mas marami tayong taos-puso sa ating trabaho,”  pagtatapos ni incoming DOLE Bicol reg. dir. Rovelinda A. Dela Rosa

 

 

REGULAR NEWS
ISO PR Code: 2017_53_reg_aug2_ro_ bogus
Department of Labor and Employment
Regional Office No. 5 (DOLE-Bicol)                  
22 August 2017, rpescalante

 

 

[Back]
[Print]
2017-08-22
RD Ruby
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.