Press Releases
Rovelinda “Ruby” Dela Rosa Bagong Director ng DOLE Bicol

Rovelinda “Ruby” Dela Rosa Bagong Director ng DOLE Bicol
by Jynkyryx D. Diaz

Legazpi City- Ika- 29 ng Agosto, naganap ang isa sa mga makabuluhang kaganapan sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) - ang pagpapalit ng liderato.

Sa bisa ng Administrative Order No. 345 na pirmado ni DOLE Secretary Silvestre H. Bello, III ay itinalaga si dating Assistant Regional Director Rovelinda A. Dela Rosa bilang OIC-Regional Director kapalit ni Regional Director Atty. Ma. Karina P. Trayvilla na nailipat naman sa ng Bureau of Workers with Special Concerns o BWSC Manila.

“Ipagpapatuloy natin ang mga magagandang nasimulan ni RD Karen at susubukan nating mahigitan pa ito,” ani OIC-RD Rovelinda A Dela Rosa sa media.

Sa simpleng turn-over ceremony at Press Conference na ginawa kahapon sa DOLE V Activity Center ay ipinagmalaki ni RD Karen ang mga naging accomplishment ng DOLE Bicol sa loob ng kanyang termino at hinikayat din nito ang tri-media pati na ang mga kawani ng DOLE Bicol na ibigay ang parehong suporta kay OIC-RD Rovelinda A. Dela Rosa.

“Sa pamamagitan ng DOLE hotline, napapaabot sa ahensya ang mga hinaing ng ating mga manggagawa. Isa lang ito sa mga nagawa natin ng sama-sama. Sana ganun din ang suporta ninyo kay RD Ruby,” wika ni outgoing RD Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla.

Sa press conference ay ipinagmalaki din ni RD Karen at ARD Ruby ang pagkakaroon ng mataas na accomplishment sa “ENDO” na halos lumagpas na sa target na 2,000 regular na empleyado.

“Ito ang isa sa prayoridad natin sa pag-upo ko bilang taga pangalaga ng DOLE Bicol,” paglilingaw ni OIC-RD Rovelinda A. Dela Rosa.

Bilang bagong talagang mamumuno ay inisa-isa din ni OIC-RD Rovelinda A. Dela Rosa ang mga priority programs na gagawin ng DOLE Bicol at ito ang mga sumusunod: 1) ENDO; 2) Labor Relations; 3) Labor Standards; 4) Jobstart Program; 5) Trabaho, Negosyo at Kabuhayan Jobs Fairs at 6) Livelihood Programs.

“Ang anim na aspetong ito ang syang tutugunan natin sa mga darating na buwan. Sana ay tulungan ninyo kame upang ipa-alam sa mga Bicolano na itutuloy at dadagdagan pa natin ang mga nasimulan ni RD Karen. Hinihingi ko din ang tulong ng mga kawani ng DOLE Bicol na lalong pagbutihin ang kanilang mga trabaho ika nga Public Service – the DOLE Bicol Way,”  wikang pagtatapos ni DOLE Bicol regional director Rovelinda A. Dela Rosa sa harap ng tri-media. – fin.

 

 

 

REGULAR NEWS
ISO PR Code: 2017_55_gud_aug4_ro_ new rd
Department of Labor and Employment
Regional Office No. 5 (DOLE-Bicol)                               
30 August 2017, rpescalante

[Back]
[Print]
2017-08-31
RD Ruby
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.