Press Releases
Sabay Na “Big Time” JobsFair Gagawin Sa Legazpi at Naga City Ngayong Labor Day 2018

 

 

Legazpi City- Sabay at dalawang malakihang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK) Jobs and Business Fair ang pasabog ng DOLE Bicol ngayong Mayo Uno at Dos sa Pacific Mall Legazpi City at LCC Mall Naga City bilang selesbrasyon ng Labor Day 2018 na may temang “Dangal Dangal ng Lahi, kabalikat sa progresibong pagbabago.

 

Ito ang inireport ni DOLE Bicol Regional Director Exequiel R. Sarcauga kay DOLE Secretary Silvestre H. Bello, III at sa local tri-media kahapon.

 

“Ngayon pa lang ay pinapayuhan na natin ang mga bagong gradweyt at naghahanap ng trabaho na I kalendaryo na ang May 1-2 at mamili sila kung kelan nila gustong pumunta dito sa Pacific Mall sa Legazpi City o sa LCC Mall dyan sa Naga City,” dagdag na paghikayat ni DOLE Bicol Regional Director Exequiel R. Sarcauga.

 

Sa ngayon, ay tinatayang nasa 25-local employers at 5 overseas employers na ang lalahok sa nasabing malakhang TNK Jobs and Business Fairs kung saan nasa 5,000 bakanteng trabaho ang pwedeng aplayan.

 

Ka partner ng DOLE Bicol sa nasabing “kambal” na TNK Jobs & Business Fair sa Legazpi City ang Pacific Mall, ABS-CBN, DTI, TESDA, PESO Legazpi, JCI Legazpi, TAYO, SLTCFI College, Divine Word College, RTIPC, City Government of Legazpi, LGU Daraga  at ang gropu ng Tsokolate at Pandesal (TAP) samantalang sa Naga City ang LCC Mall Naga, City Government of Naga, Provincial PESO Federation of Cam. Sur, KBP Naga, TESDA, DTI, Metro Naga PESO, Naga College Foundation (NCF) at iba pa.

 

Upang makaiwas sa mahabang pila lalo na sa Legazpi City dahil ito ang sentro ng Labor Day Celebration, ay pinapayuhan ng DOLE Bicol ang mga aplikante na magpa-rehistro ng ma-aga o mag pre-register simula sa April 24-27 sa PESO Legazpi, PESO Daraga, SLT College, Divine Word College at mismong sa Pacific Mall.  Samantalang bukas naman ang DOLE Cam. Sur at Metro Naga PESO para sa kanila ring pre-registration.

 

“Iwasan ninyo ang mahabang pila sa May 1 mag pa rehistro na kayo. Iyan ang dapat at tamang gawin ng mga aplikante,” dagdag na payo ni DOLE Bicol regional Director Exequiel R. Sarcauga.

 

Ang mga magpepre-register ay magkakaroon ng access sa “priority” lane sa araw ng Labor Day Jobs Fair sa May 1-2.

 

Ngunit nilinaw ni DOLE Bicol Asst. Reg. Dir. Rovelinda A. Dela Rosa na bukod sa nasabing TNK Jobs & Business Fairs at meron pang ibang aktibidades na nakalaan lalo na sa Pacific Mall, Legazpi City na hatid ng DTI at TESDA. Sa gustong magtayo ng negosyo, ang DTI ang magbibigay ng libreng seminar kung paano mag umpisa ng negosyo. Samantalang ang TESDA naman ay mayroong 10-Technical Vocational Institutions (TVIs) na tatanggap ng enrollees sa Mayo Uno at Dos.

 

“Hindi lang TNK ang handog namin marami pang iba dahil gusto namin na maramdaman ng mga Bicolanong Manggagawa na para sa kanila ang Labor Day,”  ani DOLE Bicol Asst. Reg. Dir. Rovelinda A. Dela Rosa.

 

Ang boung selebrasyon ng Labor Day 2018 ay ang sumusunod:

 

Date

Event

Venue

Responsible Agency

April 24-27

Pre-Registration

8am-5pm

PESO Daraga, PESO Legazpi, SL Campuses, Divine College

SLT, Divine, PESO Daraga, PESO Legazpi

April 26

Labor-Mgt. Forum

8am-5pm

Ninong’s Hotel

DOLE Albay, TSSD

April 27

Press Conference

9-11am

DOLE Activity Center

DOLE Albay

 

 

May 1

Motorcade

7am-830am

Penaranda Park to  Pacific Mall

DOLE, RTIEB, RTIPC, TAP

 

Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK)

8am-5pm

1) Pacific Mall, Legazpi

2) LCC Naga City

DOLE Albay, TSSD, IMSD

May 2

1) Pacific Mall, Legazpi

2) LCC Mall Naga City

TSSD, DOLE Albay

 

 

GOOD NEWS
ISO PR Code: 2018_28_gud_apr2_ro_labor act
Department of Labor and Employment
Regional Office No. 5 (DOLE-Bicol)                                      
24 April 2018, rpescalante

[Back]
[Print]
2018-04-24
RD RUBY
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.