San Miguel, Catanduanes (November 9, 2020) - Sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol at Lokal na Pamahalaan ng San Miguel, may 200 benepisyaryo sa impormal sektor at mga nawalan ng trabaho ang mabibigyan ng emergency employment mula sa Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Sa pakikipag-ugnayan ni RD Joel M. Gonzales kay LGU San Miguel Mayor Francisco Camano, Jr. karamihan ng residente sa nasabing bayan ay nasiraan ng bahay at nawalan ng pinagkakakitaan dahil marami ang nasirang abaca na siyang pangunahing produkto sa lugar.
Kaya naman, patuloy ang pagpo-profile ng DOLE Bicol team upang makapag simula na ng trabaho ang mga manggagawa at kanila nang matanggap ang sahod bukas.
Layunin ng DOLE sa pamamagitan ng TUPAD ang makapagbigay ng trabaho sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ang hanapbuhay dulot ng pananalasa ng bagyong Rolly noong Nobyembre 1 at krisis sa kalusugan na COVID-19 pandemya.
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Miguel ay nagsilbing accredited co-partner ng ahensya sa pagpapatupad ng proyektong TUPAD sa lalawigan.
Ang programang TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay isang community-based package na nagbibigay ng emergency employment bilang panandaling tulong na trabaho
upang mabawasan ang epekto ng kalamidad, sakuna at pandemya sa mga manggagawa sa impormal na sektor at mga nawalan ng trabaho.
#DOLEBicol
#PatuloysaMabilisMahusayatMalinisnaSerbisyo
-xxx-
Approved for Regional Release:
JOEL M. GONZALES
Regional Director