Masbate City, Masbate- Habang patuloy pa rin ang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng buong rehiyon dulot ng Covid-19 at pagtaas ng presyo ng langis, ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ay masigasig sa paghahatid ng tulong pang-empleyo sa mga manggagawa sa impormal na sektor lalo na ang mga nawalan ng trabaho at naapektuhan ang kabuhayan.
Kaugnay nito, mahigit 40 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged workers (TUPAD) ang magkakaroon ng temporaryong trabaho.
Ang DOLE Bicol, sa pamamagitan ng Masbate Provincial Field Office (MPFO) na pinangungunahan ni Ella E. Verano, kasama ang FNLI focal na si Rio Cos at TUPAD Coordinator na si Judy Ann Flores, ay matagumpay na naisakatuparan ang oryentasyon ng nasabing programa, sa pakikipag-ugnayan na rin ng mga opisyal ng BLGU B. Titong upang makapag simula na ang mga
benipisyaryo sa kanilang trabaho.
Mahigit kumulang P134,000.00 ang iginawad na pondo ng DOLE sa nasabing lugar bilang pasahod sa mga manggagawa sa ilalim ng Serbisyong TUPAD.
Ang bawat manggagawa ay tatanggap ng P3,100 na sahod, kapalit ng apat (4) na oras na pagtatrabaho sa loob ng sampung (10) araw.
Kabilang sa mga nakaatas na trabaho ang paglilinis, pagkukumpuni ng mga baradong kanal, pagdidisimpekta ng mga pampublikong pasilidad, at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang komunidad upang maiwasan ang paglaganap ng sakit at virus.
‘’Dama namin ang hirap na nararanasan ng mga manggagawa lalo na ang mga informal workers at mga mahihirap na higit na apektado ang kabuhayan dahil sa malawakang krisis sa ating ekonomiya partikular na ang pagtaas-presyo ng langis. Katuwang ang DOLE Bicol at ang aming Serbisyong TUPAD, sama-sama tayong magtutulungan at babangon upang mai-angat ang kabuhayan ng mga taong nasa laylayan ng lipunan,’’ pahayag ni Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita.
Samantala ipinahayag naman ni Homer Rojo, isang karpintero at benepisyaryo ang kanyang malugod na pasasalamat.
"Salamat po sa DOLE sa pagtuloy san implementasyon sani na TUPAD saamon barangay, dako po na bulig ini na TUPAD didi saamon lalo na saakon na karpintero. Dili man uru adlaw ako may trabaho kaya dako na tabang ini saakon kag saakon pamilya pang dagdag sa amon kapital sa ginaluto luto na snackan san akon asawa. Salamat po gayod saiyo tanan.’’
(Nagpapasalamat po ako sa DOLE sa patuloy na implementasyon ng TUPAD sa aming barangay, malaking tulong po ito sa akin bilang isang karpintero dahil hindi naman araw-araw ang aking trabaho. Kaya malaking tulong ito sa aking pamilya bilang pandagdag kapital sa aming negosyo)
"Dako po na bulig ini na TUPAD kay an sasahudon ko sani pagtapos san amon 10 ka adlaw na trabaho pang dagdag ko pangkapital sa dagdag na akon ibaraligya na snackan. Damo-damo po na salamat sa DOLE sa tabang na gin hatag nyo po sa amon.’’
ani ni Sheryl Francisco snack vendor at benepisyaryo rn ng TUPAD.
(Malaking tulong po ang perang makukuha ko sa ilalim ng TUPAD bilang pandagdag sa aking kapital sa pagtitinda. Sobrang nagpapasalamat po ako sa DOLE sa tulong na binigay sa amin.)
Sa pagtatapos ng nasabing oryentasyon, nakatanggap ng libreng uniporme, sombrero, face shield at face masks ang mga benepisyaryo upang magsilbing proteksyon sa pagsisimula ng kanilang trabaho. ###
Detalye mula kay Jonafaith G. Lozada, Angelica Collantes at Ella E. Verano
Approved for Regional Release:
MA. ZENAIDA A. ANGARA-CAMPITA, CESO III
Regional Director