Press Releases
2,035 na manggagawang-benipesyaryo sa Polangui, nakatanggap ng sahod sa ilalim ng programang TUPAD

 

Polangui, Albay- Sa kabila ng nagpapatuloy na suliranin sa usaping paggawa at empleo dulot ng krisis sa ekonomiya, patuloy rin na pinapabilis ng Department of Labor and Employment (DOLE Bicol) ang paghahatid ng tulong pinansyal sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho maging ang mga nasa impormal na sektor na apektado ang kabuhayan.

Umabot sa P11-milyon ang naibigay na pasahod ng DOLE Albay para sa 2,035 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) mula sa 44 na mga barangay ng bayan ng Polangui sa probinsiya ng Albay noong ika-24 hanggang 27 ng Enero, 2023.

Ang bawat manggagawang benipesyaryo ay tumanggap ng P5,110 na sahod, base sa minimum wage rate ng rehiyon ng Bicol kapalit ang pagtatrabaho ng labing apat (14) na araw.

‘’Patuloy po na ninanais ng DOLE Bicol ang makapag-abot hindi lamang ng tulong pinansyal, kundi maging ng mga opurtinidad na magbibigay ng pag-asa lalo na sa ating mga mangagawa na nahihirapan dahil na rin sa krisis sa ekonomiya. Katuwang ang DOLE Bicol, sama-sama tayong magtulungan at babangon,’’ pahayag ni Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita.

Matagumpay na naisakatuparan ang naturang programa sa pakikipag-ugnayan ng DOLE-Albay Provincial Office sa pamumuno ni Ms. Ching Banania sa Lokal na pamahalaan ng Polangui upang maipamahagi ang sahod ng mga benepisyaryo.

Samantala, malugod naman na ipinahayag ni Provincial Director Banania ang pagbati sa mga benipisyaryo at pagpapasalamat sa pakikipag tulungan ng LGU Polangui sa mga programa ng DOLE.

Patuloy na naglalayon and DOLE Bicol na makapag bigay ng dekalidad na serbisyo katuwang ang mga local na pamahalaan, upang maipaabot ang mga opurtinidad na makakatulong sa trabaho at kabuhayan sa mga apektadong Bicolano.

Data from: William Buendia

/ISO PR Code:2023_gud_Feb_2_ 2,035 na manggagawang-benipesyaryo sa Polangui, nakatanggap ng sahod sa ilalim ng programang TUPAD

 

 

 

 

 

 

For Release:

 

MA. ZENAIDA A. ANGARA-CAMPITA, CESO III

Regional Director


[Back]
[Print]
2023-02-02
Director's Corner

MA. ZENAIDA A. ANGARA-CAMPITA, CESO III

Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.